you are that one sin
that i do want to commitnever to confess.
kahit kelan ay di sasapat
ang bigat ng mga salitang gusto kong mailapat
sa papel o pader
gamit ang ano man na panulat
para tumbasan ang nararamdamang
pagnanais na ang kamay mo
ay aking mahawakan
o makita ka na masaya
habang tayo’y nagtatawanan
kahit paulit ulit mong mamiss ang tawag ko
hindi parin to sasapat sa pagkamiss ko sa iyo
sa yabang ko tumitiklop parin ako
sa yakap mo kahit sa panaginip lang
kita nayayapos naaabot
nayayamot na nga ko minsan
kung iisipin mo kasi
ang sarap lang isipin na tayo’y magkatabi
kahit ang totoo, unan lang ang hawak ko
may tulo pa yata to ng laway ko
pero ayos lang basta naririnig ko boses mo
habang nakapikit ako
siguro nagsawa narin ako sa tula
na malungkot o yung gumagamit
ng malalalim na salita
mga salamin ng nararamdaman
na sa sakit lang nalikha
kahit kelan hindi to sasapat
para sabihin kong gusto kita
kahit pa ang pangit ko tumula
kapag ako ay masaya
dati akala ko,
masaya sa kung nasan ako
ligtas, sa itaas ng ulap
o usok, lumulutang
sa saya o sa kawalan
bago tuluyang nahulog
sa kanlungan mo.
mas maliwanag pala
sa ilalim ng araw
kaysa sa ibabaw.
gusto ko sanang
sumulat ng tula
pero wala akong maisip.
kundi siya..
nanuot na yata ang yosi sa buto mo
kasi kahit na sabihin mo, naka-isa lang ako,
tuwing pumapasok ka sa kwarto
amoy na amoy ko
ang usok na nagtatago sa bawat sulok
ng iyong balat at buhok
usok na umaali-aligid sa iyong labi at daliri
kaya hindi na ako naniniwala
tuwing sasabihin mong, titigil din ako,
tignan mo, naka-isa lang ako,ilang linggo ka na kasing nakaka-isa lang
(nakakasawa na)pero nasanay na rin yata ako
sa usok na sumusunod sa iyo
ano pa bang magagawa ko?
nanuot ka na rin sa buto kowala na tayong kawala;
ganito talaga kapag naadik ka
hindi ikaw ang sinangag, o ang mainit na pandesal. hindi ikaw ang usok ng sigarilyo o ang matapang na amoy ng kape. hindi ikaw ang balita sa radyo o ang tunog ng walis tingting. hindi ikaw ang chismisan o tawaran sa palengke. hindi ikaw ang ngiti ng mga estudyanteng walang pasok. ikaw ang araw. ikaw ang sariwang hangin. ikaw ang liwanag. ikaw ang umaga. magandang umaga.
“i wanna take your misery, replace it with happiness, but i need your faith in me.”
“Since we all came from a women, got our name from a women, and our game from a women. I wonder why we take from women, why we rape our women, do we hate our women? I think its time we killed for our women, be real to our women, try to heal our women, cus if we don’t we’ll have a race of babies that will hate the ladies, who make the babies. And since a man can’t make one he has no right to tell a women when and where to create one.”
when writers write,
they write with blood
when writers fight
they use their pen
as their sword
when writers cry
they shed ink
their eyes are closed
but still it bleeds
when writers sleeps
they do not dream
for they dream
when they’re awake
when writers die
they continue to breathe
through the words they wrote
they live in the midst
of the hearts they break
when writers lie
they say it out loud
but truth’s revealed
by phrases written
by heart not by hand
spoken by soul not by mouth
when writers live
they do with metaphors
they breathe similes
but when writers love
they forget how to write
they no longer live
in fantasy, in wonderland
they embrace reality
with truth writers become readers
and as each others book
they stay happy.
ang hirap gumawa ng tula kapag masaya ka, no?